Saturday, June 16, 2007

Sa Adlaw Nga Kinamatyan Nay Doctor Jose Rizal

I am posting here the poem written by Peping Tansinko Manyas of Kalibo, Aklan on the death of Dr. Jose Rizal. I translated it into Filipino. This is just a draft.

Sa Adlaw Nga Kinamatyan Nay Doctor Jose Rizal
Sa Araw Ng Kamatayan Ni Doctor Jose Rizal

Ni Peping Tansinko Manyas
Sinalin sa Filipino ni Melchor F. Cichon

Rizal, sa imong taeahurong eubnganan,
Rizal, sa kagalanggalang ninyong libingan

Nga binunyaga’t euha king ginikanan.
Na bininyagan ng luha ng inyong mga magulang

Sinubeaka’t matahum’g manga kabueakan;
Na namukadkaran ng magagandang bulaklak

Adlaw ngara, akon mang ginahaearan,
Sa araw na ito, hinahandugan ko,

Ro imong mahimayaong eubongan,
Ang inyong maparaisong libingan

Pag pamaeandong adlaw mong kinamatyan,
Pinagmimilaymilayang araw ng inyong kamatayan.

Pag panubos ku kalisdanang napas-an,
Isang panubos ng kahirapang pinapasan.

Ku banwang eumos sa kagha ag kaeupigan.
Ng bayan na lunod sa kahirapan at kalupigan

Dinuea, Rizal, kabuhi mo ag eawas,
Niwala, Rizal, ang buhay at katawan mo,

Ku manga nag gahum’g, may gawing mapintas,
Ng mga namahala, may gawaing mapintas,

Apang ri’ng ngaean ag dugo nga umawas,
Ngunit ang pangalan at dugo mong umawas,

Nga sa kasakitan ku banwa humaw-as,
Na sa kasakitan ng bayan umalis,

Sa among tagiposuon wa’t pag kaeugnas,
Sa aming puso walang pagkakakupas,

Rayang sinabod mong timgas nga eamigas,
Itong sinabog ninyong hinog na binhi,

Ay ro kaduemanan hay nabukeas,
Ang kadiliman ay nahablot,

Umiwag masigang Adlaw’t Pilipinas.
Suminding maliwanag Araw ng Pilipinas.

Rizal ro eubongan imo nga linugsad,
Rizal ang himlayan mong kabilugan,

Wa mo kahilaki, kabuhing hinaead,
Hindi mo sinayang, buhay na inalay,

Sa kaeangitan imong pinanaad,
Sa kalangitan inyong pinanata,

Dugo nimo nga inuea hay mamuad,
Ang dugo ninyong ibinuhos ay tumubo,

Maga kaaeaman nga ikabansag,
Maging bantog na sagisag,

Nga maga hatud ku imong mga igmanghud,
Na maghahatid sa inyong mga kapatid,

Sa KAHIMAYAAN nimo nga gina hangad,
Sa minimithi ninyong KALANGITAN,

Ku banwa natong kueabos it paead.
Ng baya nating kulang ng kapalaran.

Hinayhay sa atong manga kabukiran,
Hinayhay sa ating kabundukan,

Sa makangongusbong adlaw mong kinamatyan,
Sa kalungkot-lungkot na araw ng inyong kamatayan.

Hayahay nga bumayaw ku kadungganan,
Bandila na nagpaangat ng dangal,

Ku Pilipinas naton nga naeueotan,
Ng Pilipinas na ating minamahal,

Nga pumadabdab sa katagiposuonan,
Na nagpaalab ng ating puso,

Ku paghigugma sa banwang binugtawan;
Ng pag-ibig sa bayang kinagisnan;

Kabay nga imaw mabanhaw it uman,
Sana’y muli siyang mabuhay,

Agud maangkon ro KAHAMUNGAYAAN.
Para maangkin ang KATIWASAYAN.

Rizal, banwa’y naga antus kalisdanan,
Rizal, ang bayan ay nagtitiis ng kahirapan,

Tuksa ro eangitnon nimo nga pueuy-an:
Tanungin ang kalangitang inyong tirahan:

Tueoka makasisin-it nang kahimtangan,
Tingnan ang nakakalungkot na kalagayan,

Sa sugong nang gina antus nga kasakitan,
Sa labis na hapdi na dinudusa,

Eawod nga euha anang gina eanguyan,
Dagat ng luha ang kanyang linalanguyan,

Krus hay maw ra ana nga gabayan,
Krus ang kanyang gabayan,

Nga sa kapilitan imaw hay maeugdang,
Na kung wala ng magawa siya ay malunod,

Kon ku atong manga kadugo imaw pabay-an.
Kung ang ating mga kadugo siya’y pababayaan.

Rizal, rayang adlaw nimong kinamatyan,
Rizal, itong araw ng inyong kamatayan,

Among gina tahud ag gina padungganan,
Aming ginagalang at pinaparangalan,

Ag pag tahud ku adlaw nga kinamatyan,
At ang paggalang sa araw ng inyong kamatayan,

Ku Makagagahum ag Hari sa tanan,
Ng Maykapal at Hari ng lahat,

Tungod nga rayang adlaw mong kinamatyan,
Dahil itong araw ng inyong kamatayan,

Binayaw ag tinahod ro katarungan,
Tinaas at pinarangalan ang katarungan,

Ku Pilipinas naton nga nahamut-an.
Ng Pilipinas na ating nakagiliwan.

Kalibo, Akean, Diciembre 1, 1913.
Kalibo, Aklan, December 1, 1913.

1 Comments:

At 5:07 PM, Blogger Master said...

hi sir its me yran

 

Post a Comment

<< Home